Join us on a journey exploring the natural wonders of Eastern Samar. VISIT EASTERN SAMAR is here to showcase travel spots just waiting for you to be discovered.

Manila - Borongan Flight

News Flash!!!

By: Mel Caspe








Developing Story - Nakatakdang maibalik sa lalong madaling panahon ang Flight Borongan-Manila vice versa, matapos ang masinsinan pagpupulong ng  grupo na kumakatawan ng isang  organisayon ng mga piloto at mga opisyal ng probinsiya ng Eastern Samar, matapos mapagkasunduan na maibalik ang biyahi ng isang 50 setter jet na lalapag sa paliparan ng, Punta Maria  Borongan Eastern Samar.









Ang naturang pag pupulong ay bunsod narin ng pag pupursige ng mga namumuno ng local na pamahalaan ng Borongan City kasama narin ang Provincial Government, at Congressional District upang palakasin pa ang Tourismo sa Lalawigan ng Silangan Samar.



Bago pa ang nasabing pag pupulong maraming beses narin isinagawa ang naturang hakbang na maibalik ang naturang flight ng tangapan ng Vice Governors Office sa pangunguna ni Vice Governor Dindo Picardal para hikayatin ang mga investors at mamumuhunan na makapasok sa Eastern Samar para maisakatuparan ang pag lago ng Tourismo sa nasabing Probinsiya.








Ang pag puprsige ng Congressional District sa pangunguna ni Congressman Ben p. Evardone ay malaking tulong para madagdagan pa ang budget noong nakaraang budget hearing ng Kongreso upang makapagumpisa ang pagkokompone ng expantion ng naturang Airport at maisakatuparan na sa lalong madaling panahon ang pagbabalik ng Flights sa Borongan City,Eastern Samar.